'
 
 

Madaling paraan upang makapagpadala ng pera



PAALALA:
BAGO MAGPADALA NG PERA,  ALAMIN LAMANG ITONG MGA IMPORMASYON:

1.  Kinakailangan na kayo ay “member” ng “Kyodai Remittance”.
2.  Ang bawat operasyon ay may limit na halagang 1.000.000 yen.
3.  Maaring mag-iba ang limit ng halaga ng remittance, depende sa bansang padadalhan. Tumawag lamang sa aming Customer Service.
4.  Ang bilang ng * mga aktibong benepisyaryo ( mga benepisyaryong pinadadalhan ng regular) ay hindi lalagpas ng 6 sa isang (1) taon.
5.  SA ilalim ng batas ng bansang Hapon, ang ano mang “remittance” na may kaugnayan sa Iran at/o North Korea ay mahigpit na ipinagbabawal.
6.  Ang “Kyodai Remittance Fee” sa pagpapadala ng pera sa ibang bansa ay iba sa mga “charges” ng banko o mga ATM.

Para sa mas malawak na kaalaman at detalye, mangyaring sumanguni sa aming customer service representative.


 
 
 
 

 
 

Kyodai Card (Personalized Remittance Card)-thumbnail

Kyodai Card (Personalized Remittance Card)


Ang pinaka-mahusay na sistema para maging mabilis at konbinyente ang iyong pagpadala ng pera.

Maaaring magamit ang inyong “Kyodai Card” sa mahigit na 26,000 ATM ng “Japan Post Bank” network saan mang lugar sa Japan.

Ang “card” na ito ay eksklusibong magagamit ng “Kyodai member” para sa isang (1) benepisyaryo lamang. Kung kayo ay nagpapadala o may naka-rehistro na mahigit sa isang benepisyaryo, mangyari lamang na mag-“apply” ng “kyodai card” para sa bawat isa. Maaaring makapag-rehistro ng anim (6) na benepisyaryo.

Matatanggap sa inyong bahay ang inyong “PERSONALIZED ATM KYODAI CARD”,  kalakip ang madaling instraksyon para sa bawat nakalistang benepisyaryo.

I-click ang link sa ibaba para makita ang mga lugar at oras ng Japan Post ATM na malapit sa inyo http://map.japanpost.jp/pc/?link_id=atmMap

* Magagamit mula Lunes hanggang Biyernes: 9:00-18:00. Sabado at Linggo:  10:00-18:00

* “ATM Service Fee” gamit ang “Kyodai Card” ay ¥330 yen para sa diniposito hanggang ¥110,000 yen; At mula ¥110,001 yen ay ¥430 yen.

* Oras ng Serbisyo: Lunes hanggang Biyernes: 8:45-18:00 Sabado 9:00-14:00 Linggo, “Japanese Holidays”, at kapag lagpas ng “service hours” ito ay magkakaron ng karagdagang halaga na ¥108 yen.

* Ang maximum na halaga na maaari mong ipadala sa bawat transaksyon ay ¥ 1,000,000



Pumunta sa Tuktok
 
 

 
 

Sa Counter-thumbnail

Sa Counter


Bumisita lamang sa alin mang lugar o “branches” ng “Kyodai Remittance” sa Japan, at ang aming staff ay malugod kayong aasikasuhin sa buong proceso ng inyong transaksyon.

I-click ditto para Lokasyon

Ang aming “team” ay may malawak na karanasan at kayo ay malugod na tutulungan sa mga katanungan na nais nyong malaman. Higit sa lahat, ang aming “multilingual staff” ay mabibigyan kayo ng tamang impormasyon sa inyong sariling wika.

Importante: Mangyaring dalhin lamang ang inyong “valid ID” pagpunta sa aming tanggapan.



Pumunta sa Tuktok
 
 

 
 

Bank Transfer (Denshin Furikomi)-thumbnail

Bank Transfer (Denshin Furikomi)


Kayo ay maaaring magpadala o makapag-transfer mula sa inyong sariling “bank account” o makapag-deposito sa isa sa aming anim (6) na “bank accounts” (Detalye sa ibaba) at ang inyong “remittance” ay maisasagawa sa lalong madaling panahon.

MizuhoBank, Mitsubishi Tokyo UFJ Bank, Sumitomo Mitsui Bank, ResonaBank, Yokohama Bank at Japan Post Bank.*

* “ATM service fee” o ano mang “service charges” para sa mga local na banko ay sisingilin sa inyo.

* Sa oras na makumpleto ang pagdeposito, mangyari lamang makipag-ugnayan sa amin sa email, fax o tumawag sa aming “customer service” at ikumpirma ang tamang halaga at pangalan ng benepisyaryo na nais padalhan pati na ang paraan ng pagtanggap nito ( Cash pickup o Deposito sa inyong “Bank Account”).Kailangang nakarehistro na ang kumpletong impormasyon ng inyong benepisyaryo sa amin bago isagawa ang transaksyon sa banko.

* Ang detalye para sa mga “bank accounts” ng “Kyodai” ay matatanggap sa oras na nakapag-rehistro bilang isang miyembro. Mangyaring tandaan na ang mga bangko ay mga “commission charges” (Tesuryo) para sa bawat “transfer” na ginawa.



Pumunta sa Tuktok
 
 

 
 

Magpadala ng pera gamit ang “Cash Registered Mail ” (Genkin KAKITOME)-thumbnail

Magpadala ng pera gamit ang “Cash Registered Mail ” (Genkin KAKITOME)


Ito ay isang uri ng serbisyo mula sa “Japan Post Office” sa pagpapadala ng pera kahit na walang “account” sa Post office. Mangyaring ilagay ang pera gamit ang “cash registered envelope”(Genkin Kakitome futo) at ipadala sa pamamagitan ng “Cash Registered Mail”(Genkin Kakitome)

Paalala: Ang halaga ng sobre ay ¥20 yen. Mangyaring tandaan na ang bayad dito  ay nag-iiba depende sa halaga na ipinadala at ang layo mula sa iyong post sa Tokyo. Ito ay maaaying tumagal ng 2 o 3 araw bago makarating sa aming tanggapan sa Tokyo. Maisasagawa ang inyong “Remittance” sa oras na ito ay aming matanggap.

Mangyaring lamang ilagay sa sobre ang halaga ng pera na nais nyong ipadala at ang inyong “request form” (Iraisho) Kinakailangan na ang halaga na nakapaloob sa sobre ay tugma sa nakasaad ninyong deklarasyon, ( kasama ang “Kyodai Remittance fee” at pirmahan lamang na kaparehas sa inyong “application form”.



Pumunta sa Tuktok
 
 

 
 

Japan Post Bank Card (Green Card)-thumbnail

Japan Post Bank Card (Green Card)


Pinaka-mabuting gamitin ang card na ito kung kayo ay magpapadala ng halaga mula1 hanggang ¥49,999.

Maaari mong gamitin ang iyong Kyodai-Japan Post Card saanmang mahigit na 26,000 ATM ng Japan Post Bank network sa buong Japan. Maisasagawa ang inyong “remittance” sa oras na ito ay aming matanggap. (* Maaaring magkaron ng antala depende sa oras at bansang padadalhan.)

I-click ang link sa ibaba para makita ang mga lugar at oras ng Japan Post ATM na malapit sa inyo http://map.japanpost.jp/pc/?link_id=atmMap

Ang “card” na ito ay eksklusibong magagamit ng “Kyodai member” para sa isang (1) benepisyaryo lamang. Kung kayo ay nagpapadala o may naka-rehistro na mahigit sa isang benepisyaryo, mangyari lamang na mag-“apply” ng “kyodai card” para sa bawat isa. Maaaring makapag-rehistro ng anim (6) na benepisyaryo.

Matatanggap sa inyong bahay ang inyong “PERSONALIZED ATM KYODAI CARD”,  kalakip ang madaling instraksyon para sa bawat nakalistang benepisyaryo.

*ATM service ay ¥123 para sa deposito na hanggang ¥49.999 yen at¥339 yen naman  mula¥50,000 hanggang ¥100,000 yen.




Pumunta sa Tuktok
 
 
 
 
© 2011 - 2012 UNIDOS Co Ltd.